Current Event, Journey, Reaction, Religious Criticism

Repent!! I say to you!! End of Days is NEAR!!

Yan ang million dollar question ngayon sa mga medyo natatakot na sa mga nangyayari sa mundo natin, mga earthquakes, national crisis, pagtaas ng gasulina, pagkapanalo sa election ni noy…

Is it really the end of the world?

Is it really the end of the world?

Well, ito ang nakakatawang istorya na ito’y nangyari kahapon, habang nakasakay ako sa bus on my way home from Makati to Malanday regarding sa isang “End of days is near” scam ng isang religious duo.

Sumakay ako sa Magallanes around 5:30 in the afternoon na nun at medyo hindi naman kapunuan ang sakay, well ang palabas ay “Ong Bak” (isang thai movie na for no reasons ay sumikat sa mga pinoy even though hindi naman talaga naiintindihan ang buong story… pero hindi tungkol dun ang story.. ^_^) so pinanuod ko na din yun. Sa may Ayala nag-start nang sumikip ang bus dahil dumadami na ang sumasakay para makauwi sa kanila-kanilang families at medyo nagulo na ang panunuod ko ng movie..T_T. Pero ang story ko ay nag-start sa may gawing Boni station (Pioneer ang exact location) ng may sumakay na isang guy at girl,…

Ang guy ay hindi katangkaran around 5.3 lang yata ang height at naka-white polo shirt and khaki pants, parang from the southern part of our country. Ang girl naman ay almost same height with the guy and naka white blouse, black skirt at naka tirintas ang buhok (ala ADD).

Unang ginawa ng guy is kausapin ang kundoktor siguro manghihingi ng libreng sakay with his accomplice, at ng yung kundoktor ay mukhang umoo, nagpahinga ng konti yung guy, nung nasa Crossing na kami (medyo traffic so medyo malayo pa din kami sa actual na crossing) ay dun nag-start mag preach ang “preacher“.

Praise be to God in the highest” yan ang pambungad nya. “Malapit na ang katapusan ng mundo, tayo na’t magsipag sisi sa ating mga kasalanan” ang kanyang dugtong. Medyo napatingin ako sa kanya dahil ang lapit lang nya sa upuan ko, at sobrang dinig ko ang kanyang sinasabi. After nya sabihin yun, nag open sya ng book (Bible) at binasa ang mga verses regarding the “the end of the world” scenarios. Na lahat daw ng nakasulat sa revelations ay nangyayari na sa panahon natin, nag huhumiyaw sya ng “Magsisi na tayong lahat!!“.

Pero parang walang natinag sa mga tao sa paligid nya at patuloy sa kanya-kanyang mga ginagawa or panunuod ng “Ong Bak”, nag bigay sya ng examples like ang paglindol sa New Zealand at iba pang parts ng mundo, ang Pagkakagulo sa Middle East, pagputok ng bulkang Bulusan, ang mga alledged symbols na nakikita na “daw” ngayon sa isang Universal Church, pati ang nangyari sa Quirino Hostage Crisis binigay din na example, at madami pang iba na pananakot ang ginawa, mapatunayan lang na totoo at malapit na ang katapusan ng mundo. Tapos basa ulit ng kung anu ano from the bible verses sya.

Pero medyo naudlot sya sa kanyang ginagawa ng magsimula ng magbabaan at magsakayan ang mga tao sa Crossing. At medyo nafocus ulit ako sa movie. Nang lumagpas na kami sa Megamall nagbalik ulit ang kumag para ipagpatuloy ang kanyang pananakot sa mga nakasakay. Medyo hindi ko na sya ngayon naiintindihan kasi medyo standing na. Ang huli ko nalang naalala sa sinabi nya ay sila daw ay from “the Church of…(hindi ko na talaga nadinig.. at kumanta pa siya ngayon with his girl na)”.

Pero sa akin walang issue yun, yun ang kanyang paniniwala (blind faith?), I respect that, kung gusto nila tumulong to save some souls and don’t let those so called “poor souls” be condemned to hell (sa tingin ko, kung may hell man talaga, ang hell ay ang mundo na mismo..hehe!! COOL!!), then go. Pero ang malupit dun, after nila manakot at magingay, nagsimula ng lumapit ang girl na kasama nya para mag-abot ng sobre, tulong daw para sa grupo nila.  

WTF!! HALA!! Donation ba kamo?!

Lumabas din ang totoong kulay! Nagpakita ang isang scam, at ginamit pa ang mga nangyayari ngayon sa mundo for their so-called church gain (baka personal gain pa…tsk!)! At yun ang raket nila ngayon!

Hindi ko alam kung may nagbigay at magkano or may nagpatakot sa kanila (kasama sa mga hindi nagbigay..hehe!!)… Basta ako OK na sana, medyo na amuse ako sa story telling niya at sa pinakita nyang perseverance, pero yung panghihingi nila ng ganun, ibang usapan na yun, hindi nabibili ang karunungan ng diyos (as I quoted from the bible..hehe!!). Yan ang katotohanang nagsusumigaw sa ating lahat, ang scam ng mga religious organizations… ang pananakot, ang panloloko, ang pambibilog at kung anu anu pa, for their personal este religious gains.

Well, after nun, bumaba na sila ng Main Avenue. At habang bumababa sila may nadinig akong naguusap sa likod ko regarding sa isinigaw ng preacher kuno, na totoo nga daw sigurong malapit na ang katapusan ng mundo…

Basta ako? Badtrip na, kasi hindi ko na naintindihan ang pinapanuod kong movie! At ito ay dahil sa kanila… GRRR!!!! (TSIP! TSIP! Baka pwede paulit yung palabas… PLEASE!!! ^_^)

Advertisements

About Darc xeD

Sometimes its good to write a lil' story about your life, for it's about sharing the experience you have to the world.

Discussion

One thought on “Repent!! I say to you!! End of Days is NEAR!!

  1. Good business!!

    Posted by God Slayer | June 26, 2011, 2:04 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

..and I Quote

quotes Darc likes


"Sometimes, it's good to write a lil' story about your life, for it's about sharing the experience you have to the world." - Frederick Bolastig
Follow dextrerium on Twitter
The Professional Heckler

"The problem with political jokes is they get elected.**"

The Laker Hoop Gang

(haters welcome)

One Furious Llama

Do you know reason? Let me show you it.

The Road

Life is about the ride, not the destination

Hackaday

Fresh hacks every day

Harry Roque's Blog

Thoughts of an activist lawyer

Shark Attack Watch

Reported shark attacks around the World.

talinorfali

Don't ever change yourself to impress someone, cause they should be impressed that you don't change to please others -- When you are going through something hard and wonder where God is, always remember that the teacher is always quiet during a test --- Unknown

Brooke's Faces Of Life

Life is a continous adventure, learning and hoping

The Atheist Freedom Wall

The garden is beautiful. No need for fairies.

%d bloggers like this: